Arestado ang isang sinasabing kumander ng Communist Party of the Philippines-New People's Army sa Barangay San Roque, New Corella, Davao del Norte nitong Linggo.
Arestado ang isang sinasabing kumander ng Communist Party of the Philippines-New People's Army sa Barangay San Roque, New Corella, Davao del Norte nitong Linggo.
Kinilala ang naaresto na si Leonilo Sumampong Gonzales, 44 taong gulang, na may mga arrest warrant sa kasong murder, frustrated murder, attempted murder, homicide, at sedition sa Regional Trial Court 11. Nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na nagsaka ito sa bayan ng New Corella kaya ikinasa ang operasyon.Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na ang suspek ay si "Kumander Banakon" na konektado umano sa Pulang Bagani Command 1 na responsable sa pag-atake ng mga kompanya at pagdukot ng limang pulis noong taong 2016.Depensa naman ni Gonzales, isa lamang siyang squad leader sa Pulang Bagani Command.
“Umalis ako dahil 2004 pa akong nasa grupo pero squad leader pa rin ang posisyon ko at 'yung mga bago lang sumampa ay mataas pa ang posisyon. Gusto ko na ring magbagong buhay," aniya. Taong 2018 itong nagpasyang umalis sa rebolusyonaryong grupo at mamuhay ng tahimik hanggang matunton ng awtoridad.
South Africa Latest News, South Africa Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
P2 milyong halaga ng shabu nakumpiska sa Pampanga; 4 arestado
Read more »
Tattoo artist, itinuturing na ‘most wanted’ ng Makati, arestado
Read more »
Daloy ng trapiko sa EDSA sintindi na ng sa 'ber' months: MMDA
Read more »
Holdaper sa Caloocan, arestado
Read more »
China to become biggest export market for Davao’s durianDAVAO CITY – China will soon become the top export destination of durian from Davao Region, Davao Durian Industry Association Council (DIADC) president Larry Miculob said.
Read more »
Ilang lumahok sa summer job program ng DOLE, 2 taon nang nag-iintay ng sahod
Read more »