MAYNILA — Timbog ng mga operatiba ng Manila City Hall ang ilang tindero sa Divisoria na ikinukubli ang mga tinda nilang ilegal na paputok sa mga laruang pambata.
Nilusob nitong Miyerkoles ng Manila City Hall-Task Force Malasakit ang ilang puwesto sa Divi, kung saan nadiskubre ang kahon-kahong piccolo, baby rocket, spinner, mini sinturon ni Hudas, at isang ipinangalan pa kay boxing champ Manny Pacquiao. "Hinalo nila sa mga laruang pambata. Pero sa ilalim andon 'yung mga ilegal... May baby rocket, may lusis, golden spinner, at mini version ng sinturon ni hudas," sabi ni Ernesto Manaois, hepe ng Task Force Malasakit.
Ang Task Force Malasakit ang grupong inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno na magpanatili ng peace and order at sugpuin ang mga nandaraya at mapagsamantalang vendors. "Pangkain lang po," depensa ng isa sa mga nahuli.
South Africa Latest News, South Africa Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Kilalanin ang Thai star na si Tao SattaphongNagbabalik sa GMA Telebabad si Tao Sattaphong, ang Thai actor and singer na kinagiliwan ng lahat! 😍
Read more »